Tuesday 24 January 2012

Eat Bulaga Sydication - Sugod-Bahay sa Barangay Selection of Winners

Lately may napapansin ako sa panunuod ng Eat Bulaga. Ang pinaka-aabangan kong portion ay ang Sugod Bahay sa Baranggay, bukod sa Pinoy Henyo,

Dati pahirapan sila maghanap ng mga napipili nila. As in pagtawag kailangan nilang pakinggang maige kung anu ang address, Ipagtanong ng todo kung saan ung address.
Ang pinakamalupit na naalala ko nuon ay ung talagang ang layo ng nilakad nila at nasiraan pa sila ng camera. Sa may Northern Luzon Province yun eh. Somewhere in Nueva Ecija ata or Pangasinan. Dati din merong pagkakataon na wala ung nanalo. Hindi ang winner ang sumagot so nagdraw ulit sila ng bagong winner.

As in talagang hinahanap nila ng todo nuon. Hindi katulad ngayon na alam na alam na nila kung sino at saan ang bahay na pupuntahan nila. Aminin man sa hindi kaduda duda kung paano naging ganito ang takbo.

Napapansin nyo ba ang mga Winners na bumabati kay Kapitan?

"Maraming Salamat po sa Eat Bulaga, Kay Kap....." aktong tatakpan ni Jose ang bibig ng winner. Bawal yun... Sa ganung gesture ni Jose at sa pagsablay ng winner na pagpapasalamat kay Kapitan, Mukha atang pinili ni Kapitan kung sino ang dapat manalo. Wala pa akong matibay na ebidensya to prove this hypothesis pero I guess hindi lang ako ang mayroong ganitong hinuha.

Ang tanging proven lang na nalalaman ko ay alam na ng Eat Bulaga kung sino ang nanalo at kung saan ito. Lumalabas na peke ang paghugot pa ng registration papers ng mga magiging winner.
Non- sense yung bubunot pa sila sa Bowl at da- dial si Bossing ng number ng nanalo. Pano ko nasabi at na-prove??

Nanuod kasi ako ng live sa Eat Bulaga at before the segment. tinatawagan na ng staff ang winner to try kung naiintindihan nila o malinaw ang signal. More than twice silang kumokontak to try different networks. Proven na, pero kahit ganun, meron paring pagbunot sa bowl ng registrations.

Pero if ever naman hindi pa ako nakakapanuod ng live sa Eat Bulaga. Duda parin ako dahil kung titingnan mo.  Diretso na at wala ng gaanong tanong tanong kung saan ang address ng nanalo.

Mapapansin din na marami na ang taong nagaabang sa bahay ng mga winners. Nakahawi na automatically ang tao sa eskenita ng winner. Meron pa ngang pagkakataon na meron ng mga Banner sa bahay ng nanalo. Banner ng mga gustong masagi ng pagbati sa camera ng mga kapit-bahay.

Yung mga ganito ang nakakawalang gana ngayon na umasa na manalo sa patimpalak na ito ng Eat Bulaga. Kaya kung pumunta sila sa Barangay nyo, palagay ko kailangan nyong kaibiganin si Kapitan para pumabor sa inyo ang tadhana. Kung tadhana pa nga itong matatawag. Hindi na ito Chances but syndicated winning.

Eto pa ang isang magpapawala ng pag-asa na manalo dito kung kayo ay hindi nakatira sa lugar na maraming mahirap. So kung nakatira ka sa subdivision pero alam mong mahirap ka, wag ka ng umasa kasi hindi sila pupunta sa subdivision nyo.

Pero malay mo, i-try mo nalang kung desidido ka talaga. Pumunta ka sa Broadway Centrum at magtanong kung paano magpa-schedule ng Sugod Bahay sa Barangay. Sa pagkakaalam ko meron nito. Isa sa requirements eh Barangay Captain's consent. Malas mo pag ag Barangay Captain nyo eh Kapamilya (Solid Channel 2).

Kung me tanong ka pagusapan natin dito.

Manila Harbour Center to Monumento Commuting and Tips

Last Week nagpunta ako ng Manila North Harbour Center, Port Terminal. Nahirapan ako papunta dun kasi wala naman akong sariling sasakyan, plus ang mahal ng naging pamasahe ko. Dumepende nalang ako sa naging instruction sa akin.
Una sakay daw ako patungong 5th Avenue LRT Station. (Eto lang ang natatanging alam ko sa rutang pinatatahak sakin)
Pangalawa- sakay daw ako tricycle patungo Manila North Harbour or SM Hypermart. Hindi naman mahirap hanapin ung tricycle area. Nasa West Area yung mga tricycle. To make it easier nandun sa side ng mga Jeep na Biyaheng Recto, Sta. Cruz, o Pier. Nakasakay na ako ng tricycle, ang problema, hindi madalas ang mga pasahero na papuntang Pier or Harbour Center. Ang malupit dito ay kung magkano. Inisip ko, mas maganda pa ata na nagtaxi ako. tumataginting na P70 ang deal.

Pagkaraos sa isang traffic na biyahe sa 5th. Avenue, nakarating din ako sa Harbour Center. Panibagong tanong ganano kalayo ang pupuntahan ko sa Manila Harbour Center. Ang sabi ay nasa dulo daw yun. Tunay nga namang hindi kayang lakarin ng basta basta.

Nagtanong lang ako sa Guard, kuha na daw ako ng tricycle. Sa tricycle P40 naman ang binayad ko.
 Sa wakas nakarating din ako sa pupuntahan ko.

Pagkatapos ng Activity ko dun. Eto nanaman tayo sa malawakang tanong na kung paano umuwi. Sa pag uwi dito ko natutunan ang traditional na paraan kung paano umuwi:

Una- palabas ng Harbour Center, mayroong jeep na bumibiyahe sa loob ng Harbour. P8 lang ang ibabayad. tapos merong kundoktor sa may malapit sa pintuan hindi mu nga lang aakalain na kundoktor yun o collector ng pamasahe dahil hindi siya mukhang kundoktor.

Pangalawa- Eto na ang mas mahirap na sagutin basta basta. Paano pumunta ng Monumento from there kung ang makikita mong mga jeep ay mga ruta na hindi mo kilala. Wala akong ideya kung saan ang Ilaya. Kung sasakay naman ako ng mga biyaheng Divisoria, mapapalayo naman ako.

Eto ang malupit na technique para hindi ka maligaw sa instruction na ibibigay ng kung sino sino.

TRAVELLING TIP for those who are LOST; AS MUCH AS POSSIBLE ALWAYS ASK DIRECTION ONLY WITH SECURITY GUARDS AND STAY NEAR THEM TO HAVE A QUICK SECURITY RESPONSE.


Sa SM Hypermart ako nagtanong, at ang natanggap kong response ay apat na sakay pa daw ako mula dun patungong Monumento.

Una- Sakay ako patungong Boulevard.  Kailangan mo ng bumaba bago ito lumiko ng matalim na kanan.
Then tatawid ka ng intersection para sumakay sa susunod na jeep.

Pangalawa- sakay ka ng biyahe patungong C4. Sa C4 naman walang gaanong palatandaan, basta magtanong ka lang sa driver para di ka maligaw.

Last trip to Monumento ay ang mga Jeep to Monumento na. Ganito kasalimuot ang biyaheng yun. Daming hussle ng mga palipat lipat ng Jeep. TIpong hindi ka makakatulog.

What to expect sa pagbiyahe:

- Dahil Pier yun at madumi na ang dagat sa bahaging yun. I-expect mo na hindi kaaya aya ang amoy o simoy ng hangin duon.
- Sa kalsada naman two-way high-way lang halos dahil ung ibang bahagi ay maerong nakabili ng kalsada. Parking Lot ang farthest na runway.
- Hindi kaaya aya ang paligid dahil hindi siya commercial area. Squatter's area siya. Nakakatakot dahil you have a feeling na hindi siya safe. Aminin, sa ganong tipo ng lugar ay matitimbang mo na maraming tao ang gipit at maaring kumapit sa patalim. So tip, be attentive alert at huwag maging hambog( presko ang dating). Kailangan mong magpasimple at huwag pasosyal.

Gumamit ng low Profile na Cellphone at damit. Huwag magdala ng sobra sobrang pera at magsingit ng emergency cash sa secret pockets like, medyas, garter ng pantalon. Expect the worst and let them have the least.

Funny Statistics

Dahil bagong bago ang blog kong ito sa intensyon kong makapagsulat ng mas maraming article in Tagalog. Ineexpect ko na manggaling lang sa Pilipinas ang statistics ko. Ang nakakatawa dito, hindi statictics kundi statistic lang. Plural0-singular issues ito. nakakatawa kasi iisa palang ang tumitingin ng blog ko. Mas maige kaysa sa wala. Wala ri namang referring site. Eto ang mas epic, galing pa ng Germany.

Meron din naman akong target para makita to sa Google in Certain time. Sana lang magawa ko. Parang ang igsi naman nitong post ko.

Friday 20 January 2012

Pinoy Henyo Alumni Edition Audition Tips

Marami malamang sa inyo ang nagnanais na makapaglaro sa Pamosong Laro ng Bayan. PINOY HENYO!

Nakakatuwa kasi ang larong ito. Hindi ko alam ko tanda kung kailan nagsimula pero talagang pumatok ang larong ito mula pa nung 2010. Lalagyan ka ng isang salita sa noo mo at huhulaan mo ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa kapares mo na sasagot ng OO, HINDI, PWEDE.

Proud akong sabihin na nakapaglaro ako nito nuong December 19, 2011 sa Eat Bulaga mismo. Sayang nga lang at hindi kami nanalo ng Jackpot. Nanalo naman kami kahit papano ng P10,000. Natapos namin ang tanungan sa loob ng 32 seconds. May kahirapan din yung hinulaan namin "Turon".

Nakakatuwa nga yung bilis buhat ng nag audition kami hanggang sa maglaro kami. Eto na ibibigay ko na ang mga Requirments at Tips.

Una- manuod ng Eat Bulaga- sa TV, sa Bus o kung saan man. Sasabihin kasi sa Show kung anu ang mga dadalhin at kung merong audition sa araw na yun. More or Less, Monday to Friday ang Audition.

Pangalawa - pag confirm na merong audition that day. Lusob na sa Broadway Centrum. You have to be there by 3pm earliest 430 pm latest. Magsiguro na kayo be there by 3pm. Yung maximum time kasi na nabanggit ko, nakadepende yun sa haba ng pila ng mga nag-0-audition.

Pangatlo- pangatlo nga ba o unahin nyo pala to. I handa nyo na ang mga requirements:I photo copy nyo na lahat at dalhin nyo na din ung original copy para sure tayo:
- High School Diploma
- School Yearbook
- Valid Id- basta valid ID
- Picture- 1x1- 2x2 basat kahit ano basta picture.

Yan sapat na ang requirements mo? Lusob kana sa Broadway. Maswerte ka kung maigsi ang pila tulad ng na-experience ko-namin. siguro humigit kumulang 25 pairs lang ang nag-audition. Eto na ang Epic na tip to make it to the game.
BAWAL ANG WALANG BUHAY DUN! KAILANGAN JOLLY!!!

Ganun lang kasimple. Bakit nga naman nila hahayaang lumabas sa telebisyon ang isang walang buhay na pares?

Simple lang naman ang gagawin sa Audition. Magpipinoy henyo kayo na me distansyang isang metro sa harap ng tatlong Hurado. Sila ang magdedecide kung may "K" kayong maglaro. As in "K", kapal ng mukha, kalibre, kakayahan at kulit. Number 1 tip dun, magsigawan at magbingibingihan kayo. Wag lang masyadong OA huh. baka obvious kayo masyado.

Pangatlo kami sa pila ng nagaudition. Biyernes ng hapon ng mag-audition kami. Tinanong nila kung meron bang naunang pangalan ang school mo bago ang kasalukuyang pangalan nito. I-research nyo na at tanungin nyo na ang School nyo tungkol dito.
Sunod sabado ng hapon tinawagan kami na maglalaro kami ng Lunes, magsuot kami ng kulay blue at magsama ng mga tagapalakpa(supporters) na hindi hihigit sa labinglima. Isama na ang tropa.

Eto naman ang experience sa loob habang nandun na kami ng Lunes ng (9am)Alas Nuebe ng umaga. Masyadong maaga para sa 12pm na Eat Bulaga. Bibigyan kayo ng pagkakataong magpraktis dun sa Visual Arts Room ata yun. Merong mga word chart na pwedeng pagpraktisan dun. Meron din ibibigay na tala o listahan ng mga kategorya na magiging gabay nyo sa pagsagot.  At higit sa lahat ihanda nyo na ang entrance cheer o spill nyo. Gandahan at lagyan ng buhay kung paano kayo magpapakilala. Bawal ang papatay patay. Dati meron pang sayaw, pero sa nakikita ko ngayon Spil nalang ang binibigay ng mga contestant.

Ang Encounter. Eto na ang araw, oras at pagkakataon. Hindi kami gaanong nag-enjoy na nandun kami dahil nanatili kami sa loob ng visual roon hanggang sa maglaro kami. Nakakapanuod naman kami sa visual room sa pamamagitan ng tv. Ang mahirap pa,pagkatapos namin maglaro, sumiksik lang kami sa mga kasama namin. Ako nga nakaupo sa hagdanan. Hindi narin kami entitled sa kung anu pa man nilang patimpalak sa loob ng tatlong bwan kung hindi kami nanalo at tatlong buwan kung nanalo kami.

Sana makatulong tong tips ko para sa mga gustong sumali sa Pinoy Henyo High- Alumni Edition.

Wider Topic if I'm in Filipino

Magandang Umaga. Ngayon ko lang naisip na kailangan ko ng gamitin ang salitang Tagalog. Bakit???
Kasi Filipino ako at kung ito ang gagamitin kong wika batid ko na mas marami akong maisusulat. Susubukan ko parin namang gumawa ng mga English Articles.

Dahil ang karaniwan kong araw ay punong puno ng mga kalokohan sa wikang Tagalog, malamang mas marami akong maibabahaging kalokohan ngayon. Pero huwag kayong mag-alala dahil hindi naman puro kalokohan ang gusto kong sabihin. Siguro naman meron din kayong matututunan mula sakin. Iyon naman talaga ang aking panunahing layunin. Una makatulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga simple ngunit may kabuluhang bagay. Pangalawa ay mapatawa ko kayo sa aking mga kalokohan.

Naisip ko na mag-Tagalog nalang dahil hirap na hirap akong magisip sa pagsusulat ng English. Nose-bleed. hahaha. Ngayong gusto ko ng magtagalog sana marami ang makaka- appreciate ng aking blog.

Sana sa mga susunod na araw ay marami akong maisulat na kalokohan.----

Una gusto kong magpasalamat sa mga kasama ko na sa Blogging. Sana ay suportahan nyo ang aking mga isusulat- (smiley- smiling =) )

Salamat din sa mga tao sa paligid ko na nagbibigay ng kulay sa bawat araw ko. Yung kulay--- berde, dilaw, pula, asul, lila. So sa mga me nagawang masama sakin, salamat kasi kung hindi nyo gagawin yun, boring ang buhay diba??

Di naman ako pala-away, mapang asar lang. Pag pikon-- talo. Pikunin din kasi ako. pag pikon na naman ako mas pipiliin ko ang manahimik.

Wednesday 18 January 2012

Almost Everything

I really love to share. I really love to talk. I'm a talkative person but I am a snob person if I don't know you.
It is normal. Almost everyone on my neighborhood knows me as a snobbish person who walks fast. This impression makes me look like a person who chooses people to talk. I am not but that is how they look at it. I just don't spend time to talk with them and stay long outside after buying a bottle of soft drinks or anything from a store. The store owner would know but the neighborhood doesn't.
So who am I.
I am a free going person. After I resigned from my previous work dated March 1, 2011, I almost don't fail to attend to whatever invitation you would give to me. May it be a party, island oping,reunion mountain climbing. That is how I spend my one year vacation. Today I want to start collecting every thought that I ave learned during those days. The learning and the happiness that was brought up to my mind. I would just put it on it's corresponding date. I will do this because I start thinking that my thoughts could be precious that someone would love to look for its true meaning. I hope that I could make this beginning last.